KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na umaabot na sa 393 YouTube channels ng mga kandidato sa 2022 National and Local Elections ang naberipika na, kasabay nang pag-arangkada na rin ng campaign period para sa national posts sa bansa.
“Verification of accounts is a step towards ensuring the availability of trusted and credible sources of information for the public – a vital part of the fight against disinformation. And that is happening because the COMELEC steadfastly pursued its policies, despite knee-jerk opposition,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang kalatas.
Aniya, ang lahat ng official candidates, sa national at local, party-list groups at political parties na nagsumite na ng kanilang YouTube channel sa poll body ay mayroon nang verified badge.
Sa ilalim ng Resolution No. 10730, na inamyendahan ng Resolution No. 10748, ang mga websites at iba pang social media platforms na ginagamit sa endorsement o kandidatura ng lahat ng registered political parties/coalitions at bona fide candidates ay dapat na rehistrado sa Comelec.
Ang beripikasyon ay dumating eksakto sa kickoff ng e-Rally live streaming noong Pebrero 8, 2022, na isinasagawa ng Comelec tuwing gabi para sa mga kandidato sa lahat ng national elective posts sa pamamagitan ng Campaign S • A • F • E • COMELEC e-Rally Channel sa Facebook at sa official YouTube account ng komisyon.
Nabatid na binigyan ng Comelec ang lahat ng Presidential, Vice-Presidential at Senatorial candidates, at party-list groups at political parties ng platform para sa libreng live streaming ng kanilang e-rallies, batay sa schedule ng e-rally time slots kada gabi.
“We have worked with YouTube to verify these channels, regardless of the number of subscribers, and we will continue to work in close coordination as we strive to push out information that will be helpful to the voters through these reliable channels,” dagdag pa ni Jimenez.