Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama ang with the top awardee, Antonio Punsalan of the MTPB for his 45 years of service in the city. At left is City Personnel Officer Miguelita Alonzo.

382 KAWANI, BINIGYAN NG LOYALTY SERVICE AWARDS NINA MAYOR HONEY, VM YUL

By: Jerry S. Tan

MAY kabuuang bilang na 382 kawani ng Manila local government of Manila ang binigyang-parangal nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo bilang pagkilala sa dedikasyon nila sa serbisyo, bilang bahagi na rin ng mga aktibidad na nakalinya para sa pagdiriwan ng ika-454 Araw ng Maynila sa June 24, 2025.

“Ang inyong di-matatawarang serbisyo, dedikasyon, at integridad sa loob ng maraming taon ay tunay na inspirasyon hindi lamang sa inyong mga kasamahan kundi sa buong sambayanan ng Maynila,” ani Lacuna, nang pangunahan niya ang pagbigigay ng mga plake sa City Service Loyalty Awardees para sa mga naglingkod sa lungsod ng 25, 30, 35, 40 at 45 taon.


“Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtugon sa pangangailangan ng ating lungsod. Ang inyong tagumpay ay tagumpay rin ng ating buong pamahalaan at mamamayan. Muli, maligayang pagbati at ipagpatuloy ninyo ang isang tapat at totoo na paglilingkod,” ani Lacuna.

Pinuri at pinasalamatan ni Lacuna ang mga awardees sa kanilang maraming taong ginugol para sa isang tapat at dedicated na serbisyo sa Maynila at mga naninirahan dito.

Napag-alamang ang mga awardees ay nakatanggap ng mga plake at cash gifts sa awarding na ginanap sa Metropolitan Theater nitong June 20, 2025. Kasama din si City Personnel Officer Miguelita Alonzo sa mga nag-award.


Si Antonio Punsalan ng Manila Traffic and Parking Bureau ang top awardee, dahil sa 45 taong serbisyo nito.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like