Nasa 3,812 law students mula sa 10,387 examinees ang pumasa sa ginanap na 2023 Bar examinations.
Inianunsiyo ng Supreme Court (SC) na ito ay mas mababa sa 3,992 pumasa noong 2022 bar exams.
Sa isang press conference, sinabi ni Bar Chairperson Justice Ramon Hernando na nasa 36.77% ang overall passing percentage.
Nauna dito, may10,387 aplikante mula sa orihinal na 10,791 aplikante ang nakakumpleto ng tatlong araw na bar exams noong Setyembre.
Kaugnay nito,binuksan ang gate ng SC alas1 12 ng tanghali para makita ang listahan ng mga nakapasa sa pagsusulit kung saan may inilagay na malaking TV screen. Isasara ang gate ng SC alas- 6 ng gabi .
Gaganapin sa Disyembre 22, 2023 ang oath- taking at roll signing ng mga bagong abogado sa SMX Convention Center Manila,Seashell Lane, Pasay City.














