Latest News

38 KATAO NA RESCUE SA TUMAOB NA BANGKA

By: Victor Baldemor Ruiz

NA-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 31 katao, kabilang ang ilang bata sakay ng tumaob na Bangka sa karagatang sakop ng San Antonio, Northern Samar nitong Miyerkules ng umaga.

Nagawang makahingi ng saklolo ang mga sakay ng bangka kaya agad na nirespondehan ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) – Northern Samar at ng lokal na pamahalaan ng San Antonio.

Sa ulat naganap ang insidente may 4 na kilometro mula sa pampang. Papunta sana ng San Antonio ang bangka na galing sa San Isidro nang mabutas ang bahagi ng sasakyang pandagat .


May bumagsak umano sa kaliwang bahagi ng Bangka na siyang nagiging dahilan ng pagtagilid nito at tuluyang pagtaob .

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng coast guard tungkol sa pangyayari habang pitong mangingisda naman ang nasagip din mula sa tumaob na fishing vessel sa Jintotolo Island sa Masbate.

Sa ulat ng mga awtoridad, inabot ng dalawang oras bago matapos ang isinagawang rescue operation.

Sinabi ng PCG na patungo sa Estancia, Iloilo ang mga mangingisda nang maharap ang kanilang bangka sa malakas na alon at hangin.


Napag-alaman sa pagsisiyasat na ang distressed boat ay nakipagsapalaran sa pangingisda ngunit dahil sa Bagyong Egay, nagpasya silang sumilong sa Jintutulo Island sa loob ng limang araw.

Dagdag dito, ang mga mangingisda ay wala din umanong dalang mga life jacket.

Una na rito, habang nasa gitna ng karagatan, nasira ang outrigger at pana ng fishing boat dahil sa malakas na hangin at malalaking alon, na naging sanhi ng paglubog sa kanilang bangkang pangisda.


Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like

Most Read