Mahigit sa 37,700 police personnel ang nakatakdang i-deploy ng Philippine National Police sa iba’t- ibang bahagi ng bansa kaugnay sa ‘Oplan Balik Eskwela’ sa pagsisimula ng klase ngayong Lunes, Hunyo 16, 2025 .
Ayon kay PNP chief, Director General Nicolas Torre, para sa ikinasang Oplan Balik-Eskwela 2025-2026 ay nasa 37,750 pulis ang kanilang itinalaga para bantayan at tiyakin ang seguridad ng milyong mag aaral na nasa 38,292 public at 7,682 private institutions o kabuuang 45,974 eskwelahan.
Nasa 10,687 police officers ang magsasagawa ng mobile patrols, habang ang 16,366 pulis naman ay itinalaga na magsagawa ng foot patrols sa mga siksikang lugar at mga itinuturing na ‘critical areas.’
“We want to ensure that our children return to school without fear or harm. Our police officers will be in every possible area to provide protection, guidance, and support,” paliwanag pa ni Torre.
Sa nasabing deployment, ang Central Visayas ang siyang may pinakamaraming pulis na itinalaga kaugnay sa muling pagbubukas ng klase na umaabot s a 7,366 personnel, sumunod ang Metro Manila na nasa 4,323; z Bicol Region, 2,962, at Eastern Visayas na may 2,376 deployment.














