36, pinakasuhan ng NBI sa lumubog na MT Princess Empress

By: Baby Cuevas

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban sa 36 na indibiduwal sa Office of the Ombudsman kaugnay sa paglubog ng MT Princess Empress na nagresulta ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero 2023.

Ito ang ikalawang batch ng inirekomenda ng NBI Environmental Crimes Division na kasuhan sa Ombudsman ng paglabag sa RA 3019 na kilala bilang Anti-Graft & Corrupt Practices Act.


Kabilang sa 36 na indibiduwal ang may-ari at crew ng MT Princess Empress, opisyal at personnel ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard (PCG).

Napag-alamqn sa imbestigasyon ng NBI na ang tanker’s owner, RDC Reield Marine Services ay tumanggap ng di matatawaran na benepisyo sa pagrehistro ng tanker sa Marina sa kabila ng isinumiteng pekeng dokumento at hindi tumugon sa pamantayan.

Bukod kay RDC Reield Marine Services president Reymundo Cabial, kasama rin sa reklamo ang kanyang mga anak na pawang co-incorporators ng kumpanya.


Maging sina Marina Regional Director Jaime Bea at Marina Region 5 Shipyard Regulation Service Head Jose Buban ay kasama sa reklamo.

Ayon sa NBI, ang certification ng tanker ay kuwestiyunable dahil lumalabas na ang tanker ay inayos lamang sa Navotas at hindi bagong gawa sa Bataan, taliwas sa deklarasyon ng Marina & RDC Reield Marine Services.


Isinama rin sa reklamo ang opisyal at 19 na personnel ng PCG dahil sa pagkabigo nilanginspeksiyunin ang tanker bago ito pinayagan na makapaglayag.

Inirekomenda rin ng NBI ang pagsasampa ng kasong ‘grave misconduct and neglect in the performance of duty’ sa ilalim ng Revised Rules ng Administrative Cases sa Civil Service laban sa opisyal at personnel ng Marina at PCG.


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like