Camp Guillermo Nakar, Lucena City – KASUNOD ng inilunsad na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Quezon Police Provincial Office, 36 na indibidwal ang arestado sa iba’t- ibang kampanya laban sa ilegal na mga gawain sa buong lalawigan.
Sa malawakang kampanya kontra ilegal na mga sugal, arestado ng Quezon Pulis ang 30 indibidwal sa 11 magkakahiwalay na operasyon, kung saan 10 ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa tong-its sa Brgy. 6, Poblacion Quezon, Quezon, Brgy 10, Catanauan, Quezon at Brgy Calutcot, Burdeos, Quezon.
Nadakip din ang apat pang indibidwal dahil sa ilegal na paglalaro ng Pusoy sa Brgy Ayuti, Lucban Quezon, dalawa sa Bookies sa Purok 1A Brgy Dalahican at Brgy Silangan Mayao, Lucena City, dalawa sa Ilegal na Tupada o Game Cock sa Brgy Mangero, San Andres, Quezon, apat sa Mahjong sa Brgy langgas, Infanta, Quezon, lima sa Cara y Cruz sa Brgy Castillo Pitogo Quezon at Brgy Ilaya, Plaridel, Quezon, at tatlo naman sa aktong paglalaro ng Bingo sa Brgy Capalong, Real, Quezon.
Sa naitalang ulat ng Quezon- PNP kontra sa mga Most Wanted persons, tiklo ang isang suspek para sa kasong paglabag sa RA9165 na tinaguriang MWP# 3 City Level sa Brgy Mayao Crossing, Lucena City.
Sa hiwalay naman na operasyon, walang takas sa kapulisan ang MWP para sa kasong paglabag naman sa BP 22 (AN ACT PENALIZING THE MAKING OR DRAWING AND ISSUANCE OF CHECK W/O SUFFICIENT FUNDS OR CREDITS) sa Damayan 1, Brgy Ibabang Iyam, Lucena City, isang MWP sa kasong Homicide sa Brgy Maguiting, San Narciso, Quezon, at isang MWP para sa kasong Robbery sa Brgy Magsaysay Lopez, Quezon.
Samantala, sa kampanya para sa pagpapatupad ng Special Laws kontra droga, timbog din ang isang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng Tiaong-PNP sa Brgy San Agustin, Tiaong, Quezon, kung saan kumpiskado mula sa posesyon ng suspek ang isang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substances na hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang na 2.4 gramo, apat na piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances na hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang na 8.6 gramo at halagang P209,840, kumpiskadong shabu na may humigit-kumulang na timbang na 11 gramo at may street value na P268,320, isang fanknife at isang piraso ng P500 bill na ginamit bilang boodle money na may serial number na RA02570.
Ganun din naman, walang kawala ang isa pang drug suspek sa isinagawang Search Warrant Operation ng Guinayangan PNP sa Brgy Aloneros, Guinayangan, Quezon, kung saan nasamsam mula sa suspek ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances na hinihinalang shabu at may timbang na 3 gramo at halagang P61,200.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng mga stasyon para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.
“Tuwiran at patuloy na maglilingkod ng tapat at tama ang Quezon PNP para gampanan ang mga nakaatang na mga tungkulin. Hindi kami titigil na puksain ang anumang uri ng kriminalidad sa ating lalawigan, lalo na para bantayan at supilin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng pamayanan ng Quezon. Mananatili at maaasahan niyo ang buong kapulisan ng Quezon na patuloy na susuporta at magpapatupad ng abot-serbisyo publiko sa buong nasasakupan,” ani PCOL Villanueva, Provincial Director ng Quezon PPO. (VICTOR BALDEMOR)














