Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag magpakampante at ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.
Mayroong 356 pasyente na nakaratay sa mga pagamutan dahil sa COVID-19 ang nasa kritikal at malubha ang kalagayan noong Abril 16,2023. Samantala, mayroon namang naitalang 20 na pumanaw kung saan ito ay naganap noong Abril 3 hanggang 16.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa 1,900 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 234 (12.3%) ang okupado, habang 2,929 (17.4%) ng 16,791 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Napag-alaman na higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Mula Abril 10 hanggang 16, 2,386 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 341, mas mataas ng 23 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 3 hanggang 9.
Sa mga bagong kaso, 17 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Pinaalala rin ng DOH na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.at sa oras na makaramdam ng sintomas ay kaagad na.mag isolate.














