350 SRR TEAMS IKINALAT SA NORTHERN LUZON

By: Victor Baldemor Ruiz

TINIYAK ni Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief OF Staff Gen. Romeo Brawner Jr. tuloy tuloy ang kanilang tulong sa mga mamayang Pilipino na hinagupit ng Super Typhoon Egay at ng umiiral na Southwest monsoon o Habagat .

Ayon kay Gen Brawner nakahanda ang mga Disaster Response Unit mula sa Philippine Army (PA), Philippine Navy (PN), at Philippine Air Force (PAF) sa pagtulong sa mga local government units sap ag rescue o paglikas ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Egay.

Nabatid na sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Egay sa Hilagang Luzon ay nagtalaga ang AFP-Northern Luzon Command (NOLCOM) ng 350 Search, Rescue and Retrieval (SRR) Teams para sumaklolo sa mga apektadong komunidad.


Ayon kay NOLCOM Commander LtGen Fernyl G Buca PAF, upang makatugon sa pangangailangan ay nagdeploy siya ng 1,992 highly-trained SRR personnel, 813 Civilian Active Auxiliary, at 197 reservists sa nasasaklaw ng NOLCOM.

Bukod pa sa paggamit ng kanilang mga essential assets, kabilang ang 158 mobility assets, 27 naval assets, at dalawang air assets para sa critical Search, Rescue, and Retrieval operations.

“Swiftly reaching and aiding those affected by Typhoon Egay is our top priority,” Ltgen Buca emphasized. “We are tirelessly working to provide assistance, relief, and support to the affected communities during this challenging time”the general added.

Samantala maging ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagpapatuloy sa paglilikas sa mga indibidwal na na-trap sa tubig-baha dahil sa Bagyong Egay.


Sa Pangasinan, nasa humigit-kumulang 60 residente ang inilikas ng mga awtoridad partikular sa Sitio Sungyot, Barangay Nibaliw Narvarte, at San Fabian.

Nasagip din ng PCG rescuers ang labintatlong residente na na-trap dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte, kung saan kabilang dito ang dalawang sanggol at walong kabataan.

Tags: Armed Forces of the Philippine (AFP) Chief OF Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

You May Also Like

Most Read