Latest News

35 Mayon evacuues, nagkakasakit na

By: Jaymel Manuel

May 35 evacuees ng Mayon Volcano ang dumaranas na ng respiratory problems hanggang nitong Hunyo 13.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, base sa ulat na nakarating sa kanya, ang mga naturang evacuees ay mayroon nang ubo, sipon at sore throat.

Gayunman, sinabi ni Herbosa na hindi pa beripikado kung ang kanilang mga sakit ay epekto ng sulfur dioxide at ashfall na dulot ng Bulkang Mayon.


Tiniyak naman ni Herbosa sa publiko na nakakalat na sa evacuation centers ang mga tauhan ng DOH.

Patuloy umanong minomonitor ang kalagayan ng mga evacuees at nakahandang gamutin ang.mga nagkakasakit.

Samantala, pinayuhan ni Herbosa ang mga evacuues na magsuot ng facemask bilang proteksyon laban sa ash.


Tags: Health Secretary Teodoro Herbosa

You May Also Like

Most Read