$34.5- M AYUDA NG USAID SA GIYERA VS COVID-19; US PEACE CORPS TUTULONG SA MASS VACCINATION SA PILIPINAS

TINATAYANG aabot na sa $34.5 million ang naipagkaloob ng United States Agency for International Development (USAID) sa Pilipinas para mas mapalakas ang national and local responses ng bansa kontra COVID-19.

Sa papamagitan ito ng risk communication, laboratory strengthening, contact tracing, isolation, critical care management, logistics management, training, at acceleration of vaccine coverage.

Gaya ng ginagawang ngayong pagtulong ng mga volunteer doctors at nurses mula sa US Peace Corps sa isinagawang mass evacuation ng gobyerno sa Quezon City at Caloocan City kung saan nabakunahan nila ang may 10,600 indibidwal .


Inihayag ni US Embassy Acting Spokesperson John Groch na noong kasagsagan ng Omicron variant ng Corona virus noong Enero at Pebrero ay pinunuan ng US Peace Corps ang karagdangang pangangailangan ng mga doktor at nurses sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Groch, sa loob ng naturang panahon ay nag-volunteer ng dalawang araw kada linggo ang mga doktor at nars ng US Peace Corps sa mass vaccination.

Noong Pebrero, tumulong din ang US Peace Corps medical teams sa pag-screen at pagbabakuna ng 2,700 pasyente na 5 hanggang 17 taong gulang.

“The U.S. Peace Corps is pleased to team up with the Philippine government and USAID to support this critical, nationwide effort to protect the Filipino people and get children safely back to school in person,” pahayag ni U.S. Peace Corps Country Director Jenner Edelman


Ayon kay U.S. Edelman, magpapatuloy ang US Peace Corps sa tulong ng USAID sa pagsuporta sa pediatric vaccination sa NCR at iba pang bahagi ng bansa upang ligtas na makabalik sa paaralan ang mga bata. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: United States Agency for International Development (USAID)

You May Also Like

Most Read