34.2M opisyal na balota para sa midterm polls, naimprenta na ng Comelec

By: JANTZEN ALVIN

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na umaabot na sa mahigit 34.2 milyong opisyal na balota para sa May 12 National and Local Elections (NLE) ang natapos na nilang mapa-imprenta.


Ayon sa summary ng ballot printing progress na inilabas ng Comelec nitong Martes, Pebrero 18, nabatid na umaabot na sa kabuuang 34,235,042 ang kabuuang bilang ng opisyal na balota na natapos nilang iimprenta. Ito ay 47.48% ng kabuuang 72,097,420 official ballots na kailangan nilang iimprenta para sa halalan.

Nangangahulugan ito na kailangan pa ng Comelec na mag-imprenta ng 37,862,378 na balota.

Kumpiyansa naman si Comelec Chair Garcia na matatapos nila ang ballot printing bago sumapit ang deadline na itinakda nila para dito.


Tags: Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia

You May Also Like