Latest News

33-anyos, niratrat sa tabi ng pitong-taong gulang na anak, patay

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang 33-anyos na lalaki matapos barilin nang sampung beses ng hindi pa nakikilalang gunman sa harap ng kanyang pitong- anyos na anak, kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Biak na Bato at Alley 4 Streets sa Tondo, Maynila.

Namatay noong din ang biktimang si Mark Jeff Florentino, ng 1816 Int. Biak na Bato St.,. Tondo, Maynila, dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PSSg John Teody Siguen ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas-3:30 ng hapon sa nabanggit na lugar.


Ayon kay Crystal Maiden, anak ng biktima, kasama niya ang ama nang makita niya ang suspek na nakasuot ng ng itim na jacket at itim na t-shirt at sapatos na nakasakay sa isang motorsiklo. Pagtapat sa kanyang ama ay kaagad na bumunot ito ng baril at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Abad Santos Avenue.


Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpaslang habang dinala ang bangkay sa punerarya para sa awtopsiya.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read