May 328 persons deprived of lLiberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) ang pinayagan ng Department of Justice (DOJ) na makalaya.
Ang pagpapalaya sa PDLs nitong Lunes ay ginawa sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya.
Nabatid na sa nasabing 328 PDLs, ,kalahati ang naka-kumpleto ng kanilang maximum sentence na may persons good conduct time allowance habang ang iba ay binigyan ng parole at walo ang na-absuwelto.
Una nang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang, Jr. na target nilang makapagpalaya ng mahigit sa 700 PDLs bago ma-Pasko o Bagong Taon.
Layunin nito na mapaliwag ang mga kulungan. (Jaymel Manuel)