CHINA, US AT JAPAN, NAGPAHATID NG PAGBATI SA PILIPINAS

By: Victor Baldemor Ruiz

HALOS sabay-sabay na nagpahatid ng pagbati sa Pilipinas ang ilang foreign diplomats kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kamakalawa.

Nagpaabot ng pagbati si Chinese Ambassador Huang Xilian sa Pilipinas at sa mamamayang Pilipino kaugnay sa pagdiriwang ng proklamasyon ng kasarinlan ng bansa.

“The Chinese Embassy and I join the Filipino people in celebrating the 125th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence!” pahayag ni Amb. Huang Xilian


Isang video message naman mula kay US Ambassador in Manila, MaryKay Carlson, ang bati nito sa Pilipinas na tinawag niyang kaibigan, partners at kaalyado ng Amerika.

Sa isang mensahe, inihayag namn ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa na nakikiisa ito sa pagdiriwang ng makasaysayang araw para sa sambayanang Pilipino.


Sinabi din nito na bilang mga bansang may magkapareho ng pag-iisip, ipagpapatuloy ng Pilipinas at Japan na itaguyod ang kapayapaan at demokrasya, mga katangian aniya na kumakatawan sa Araw ng Kalayaan.

Inihayag din nito na nawa’y umusbong pa ang pagkakaisa ng para sa panghabambuhay na kapayapaan at kasaganaan.


Tags: Chinese Ambassador Huang Xilian

You May Also Like

Most Read