Aabot sa may 3,200.miyembro ng Manila Police District(MPD),ang magbibigay ng seguridad sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Linggo Enero 21 sa Maynila.
Ayon kay MPD Public Information Office chief PMajor Philipp Ines, isinagawa ang send off kahapon ng alas-3 ng hapon sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo,Maynila.
Nagsagawa rin ng pagbabasbas at inspection ng mga kagamitan gaya ng baril at iba pang kagamitan na gagamitin sa aktibidad. (JERRY S. TAN)