Latest News

32 INDIBIDWAL, ARESTADO SA PINA-IGTING NA SACLEO NG QUEZON PULIS

Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Quezon Police Provincial Office, tatlomput-dalawang (32) indibidwal ang nadakip sa inilunsad na isang araw na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) laban sa iba’t ibang ilegal na mga gawain.

Ayon kay PCo. Joel Villanueva, Probinsyal Direktor ng Quezon PPO. sa isinagawang kampanya laban sa mga most wanted persons, timbog ang anim na suspek, kabilang ang Ranked # 5 Mun Level Most Wanted Person ng Lucban para sa kasong paglabag sa RA 7610 sa Brgy Ayuti, Lucban, Quezon. Kasama ding nadakip ang mga MWPs para sa kasong Attempted Homicide, Grave Threats, at paglabag sa Article 365 of RPC sa Tayabas City; kasong RA 9287 sa San Antonio, Quezon at Qualified Theft sa Plaridel, Quezon.

Sa niatalang crime incident, arestado ang tatlong suspek para sa kasong Qualified Trespass to Dwelling sa Purok Dalungyan, Brgy. Isabang, Lucena City; Malicious Mischief sa Brgy Andrés Bonifacio, San Narciso, Quezon, at Frustrated Homicide (shooting) in rel to Viol of Omnibus Election Code under Comelec Res No 10728 sa Sitio Salvacion Brgy Buensuceso Gumaca, Quezon. Samantala, sa pinatibay na kampanya laban sa droga, walang kawala ang isang (1) drug suspek sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Purok Tulungan, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.


Sa isinagawang malawakang operasyon laban sa mga Ilegal na pagsusugal, arestado ang 20 indibidwal dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawaing sugal na Cara y Cruz, Bookies, Bet Game, Tong-its at Tupada sa Pitogo, Candelaria, Pagbilao, Unisan, Mauban, Tiaong, at San Andres, Quezon.

Sa pagpapatupad ng iba pang Special Laws, naaresto din ng Quezon PNP ang dalawang indibidwal dahil sa pagkakasangkot sa paglabag sa kasong PD 705 sa Brgy Nag-cruz, Pitogo Quezon at RA 8048 sa Sitio Bag-as, Brgy Talisay, San Andres, Quezon.


“Puspusan ang Quezon PNP para paigtingin ang mga isinasagawang mga operasyon upang magampanan ang mga tungkulin na nakaatang sa aming mga balikat, kaalinsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin na umiiral na mga batas sa ating bansa para sugpuin ang anumang banta at kriminalidad sa ating probinsya,” ani Quezon PPO Director PCol. Villanueva. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO)

You May Also Like

Most Read