Latest News

32 FILIPINO, NASAGIP SA DAGAT NG CHINESE FISHERMEN; 1 PANG PINOY, NAWAWALA

NASA 32 Filipino na kabilang sa 48 tripulante ng isang malaking fishing vessel ang nasagip sa gitna ng laot nang masunog ang kanilang gamit na pangisda .

Sa ulat na ipinarating sa Philippine Coast Guard at Chinese Embassy sa Pilipinas, biglang nagliyab at nagkasunog ang fishing vessel na Hsiang Ching habang naglalayag sa northern Pacific Ocean noong November 6.


Mapalad na namataan sila ng Chinese fishing vessel na Yong Fa 1, at mabilis na sinaklolohan at nagsagawa ng humanitarian rescue. Nasa 48 crew members ang nailigtas kabilang ang 32 Pilipino.

“This is an embodiment of how Chinese fishermen and Filipino fishermen are helping each other,” anang embahada.

“ It is reported that one Filipino crew member on board was still missing after the fire. Yong Fa 1 had searched for him in the waters where the accident happened. My heart and prayer goes with him,” ani Chinese Ambassador Huang Xilian .


Sa ulat ng official news agency ng China na Xinhua, nasunog ang Hsiang Ching fishing vessel sa 400 nautical miles silangan ng Kushiro Port sa Hokkaido. Sakay nito ang nasa 49 na crew ng barko.

Nailigtas naman ng Chinese vessel na Yong Fa 1 ang karamihan sa mga sakay ng barko habang patuloy pa ang paghahanap sa nawawalang Pinoy. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: Philippine Coast Guard at Chinese Embassy

You May Also Like