Nasa 31 na iba’t- ibang uri ng baril at pampasabog ang isinuko ng ilang local officials mula sa Aleosan, Cotabato at dalawang barangays mula sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM)
Ayon kay WESTMINCOM chief , Lt. General Crespillo bahagi ito ng kanilang kampanya sa pagsugpo sa pagkalat ng mga loose firearms sa kanilang nasasakupan.
Ang kampanya laban sa proliferation of undocumented firearms ay lalo pang pina-igting ng 602nd Infantry Brigade, 34th Infantry Battalion, at Aleosan Municipal Police Station na nag resulta sa boluntaryong pagsuko ng ibat ibang sandata.
Kabilang sa mga isinuko ang isang rocket-propelled grenade launcher, isang Barret Cal .50 sniper rifle, isang Browning Automatic Rifle, tatlong Cal .30 rifles, isang 5.56mm rifle, dalawang 40mm M79 grenade launchers, labindalawang 12-gauge shotguns, isang KG 9 machine pistol, Cal .45 rifle, dalawang Cal 5.56 pistols, isang Cal .45 pistol, dalawang Cal .38 pistol, isang Cal .38 revolver, isang Cal .22 rifle, isang 12-gauge pistol at isang 20-gauge pistol, bukod pa sa dalawang hand grenades at mga assorted magazines.
Pinangunahan ni Aleosan Mayor Eduardo Cabaya ang presentasyon ng mga isinukong sandata.
Lumagda din sa pledge of commitment para sa peaceful and orderly Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 ang mga barangay officials na nagsalong ng kanilang mga baril.
“We will sustain this campaign and work as a team in cooperation with other local government units in order to achieve our common goal,” ani Maj. Gen. Steve Crespillo, Commander of Western Mindanao Command.