HINDI pa ganap na bumabagsak sa kalupaan ang bagyong Paeng ay inilubog na nito ang maraming lugar sa Visaya at Mindanao ng lumikha ito ng flash flooding at landslides.
Sa pinagsama-samang ulat na nakalap at kasalukuyang pang bineberipika ng National Disaster Risk Reduction Management ay sinasabing nasa 31 ang reported casualties sa Maguindanao; (16 sa Datu Odin Sinsuat, 10 sa Datu Blah, at lima sa Upi)
Nabatid na walang typhoon signal na ibinaba sa bahagi ng Maguindanao kaugnay sa paparating na pananalasa ng bagyong ‘Paeng’ subalit maraming lugar sa Cotabato at Maguindanao ang inilubog sa mahigit limang talampakang tubig baha na lumikha ng mga landslides.
Base sa ibinahaging ulat ni BARRM Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo, 31 inulat sa kanyang bilang ng nasawi dahil sa flash flood at langslides sa Maguindnao.
Sa Datu Odin Sinsuat, meron tayong bagong numbers na nireport nung tao sa baba so for Datu Odin Sinsuat, ang latest report nila is 16 na mula sa dating tatlo.
Sa Upi Maguindanao ay may limang reported casualties at sampu naman sa Datu Blah .
Pinangangambahan lalaki pa ang bilang dahil ngayon pa lamang nagdatingan ang mga report habang may mga reported missing din bunsod ng baha at landslides.
Nasa 67,000 na ang affected population sa Cotabato city na may 300,000 residente.
Patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng Rapid Emergency Action on Disaster Incident o READI-BARMM para sa iba pang casualties ‘
Nagsimulang pumasok ang tubig baha sa ibat ibang bayan sa Maguindanao bandang madaling araw at mabilis itong nanalasa tangay ang mga nabunot na puno bato at putik na mabilis na nakarating sa mga kabayanan hanggang sa lalawigan ng Cotabato City.
May pitong inulat na nawala base sa inisyal report na nakalap ni Naguib Sinarimbo, regional government civil defense chief .
“Our focus at this time is rescue as well as setting up community kitchens for the survivors,” he said, although the exact number of people affected was not yet known.
Nabatid na naglabas naman ng babala ang pamahalaan subalit nabigla ang mga tao sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan at pagbaha,
Ayon kay Sinarimbo “ nag-issue tayo actually ng advisory kahapon sa regional government to the DRRM na nag-update tayo ng alert kahapon dahil sa bagyo so may mga preparations naman pero unfortunately ito talaga more than what people normally expects na rainfall, the whole night (kamakalawa ng gabi) kasi umulan e, hanggang ngayon (kahapon) meron pa ring ulan pero hindi kasing lakas nung kagabi so talagang malaki yung volume ng water.”
Lubhang naapektuhan din ang Cotabato City na nasa 90 percent ng mga barangay ang apektado ng mataas na tubig baha na umaabot hanggang sa bubungan ng mga bahay.
“Talagang malalim sa ngayon dahil first time na pumasok din sa bahay namin, in decades na nandito kami sa cotabato hindi pa pumapasok sa bahay namin yung flood, ngayon pa lang, kaninang alas-4 ng madaling araw. ‘Yung sa Cotabato City may mga sections na mataas talaga, umabot sa bubong, sa North Upi karamihan talaga dun sa poblacion mismo umabot sa bubong ng mga bahay ng tao,” dagdag nito.
Napag -lamang naka code red ngayon ang BARM dahil sa inaasahang pagtaas pa ng tubig baha na raragasa papuntang Liguasan Marsh na siyang catch basini ng mga tubg mula sa mga kalapit-lalawigan gaya ng Bukidnon .
Samantala, target ngayon ng rescue operation ang Barangay Kusion na nasa paanan ng Mt. Minandar dahil sa ulat na na-washout ang buong community kung saan may IP community na ni-relocate ang gobyerno .
“So ,ang fear natin dito medyo baka maraming casualty sana naman hindi, pero ang report nya sa atin may mga casualties, may mga natrap pa dun so kaya pinadalhan natin ng isang rescue team,” ayon pa sa tagapagsalita. (VICTOR RUIZ BALDEMOR)














