Latest News

30,061 PNP PERSONNEL, MAG-AAVAIL NG ABSENTEE VOTING

ITINATAYANG aabot sa mahigit 30 libong tauhan ng Philippine National Police ang mag-aavail ng absentee voting para sa May 2022 national election, partikular n ‘yung mga naitalaga sa mga lalawigan na malayo sa kanilang lugar.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen Roderick Augustus Alba, gaganapin ang absentee voting sa PNP sa April 27, 28 at 29.

Base sa rekord ng PNP, mayroong 3,248 na PNP personnel na naka- base sa National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City ang mag-aavail ng absentee voting.


May 26,813 PNP personnel naman ang nag-avail para sa absentee voting sa mga lalawigan.

Sinasabing kasado ang mga lugar na pagdarausan ng isasagawang ng absentee voting sa Philippine National Police.

Nabatid na itinalagang lugar para sa mga Crame-based PNP personnel ang kanilang PNP Multi-Purpose Center bilang polling center ng mga absentee voters.

Habang ang mga Police Provincial Office naman ang in-charge sa venue ng Local Absentee Voting para sa mga pulis -lalawigan.


Samantala, sa hanay ng Armed Forces of the Philippine partikular ang Philippine Army ay nagkakasa na rin ng kanilang mga venue para sa mga sundalong nag avail ng absentee voting. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read