300 kilo ng double dead meat, nasamsam sa Sta. Cruz, Maynila

By: Baby Cuevas

Aabot sa may 300 kilo ng ‘double dead’ na karne ang nasamsam ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) ng Manila City Hall at Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Maynila.

Naaresto ng mga awtoridad si Edler Zape, 45 , meat vendor sa Blumentritt Market at taga Blk. 19, Lot 11, Teacher Bliss, Brgy. Balong Bato, Quezon City. dahil sa paglabag sa RA 9296, Section 48 as amended by RA 10536 o “The Meat Inspection Code of the Philippines” at RA 10611, Section 37 “Food Safety Act of 2013.”


Napag-alaman na alas-9:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng P. Guevarra St.,sa Brgy. 364, Sta. Cruz, Maynila.

Ang operasyon ay pinangunahan ni Dennis Noble, enforcement officer ng VIB, kung saan nakumpiska sa suspek ang anim na ‘double dead’ na baboy .

Tinanong umano ang suspek kung may permit ang mga paninda niyang baboy pero wala itong naipakita kaya kinumpiska ang kanyang mga paninda.


Tags: Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team (SMaRT)

You May Also Like