AABOT sa mahigit na 300 bahay ang natupok sa naganap na sunog,kamakalawa ng gabi sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Proection (BFP), nagsimula ang sunog alas -7:40 ng gabi sa dalawang palapag na residential house na pag-aari ni Juliet Mongado.
Umabot ang sunog sa ika-apat na alarma at naideklarang fireout alas 12:02 ng madaling araw.
Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahil sa maliit na mga daanan sa lugar.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog at tinatayang nasa P1 milyon ang halaga ng pinsala.
Samantala,tiniyak naman ni Manila Mayor Isko Moreno na kakalingain ang mga biktima ng sunog. (TSJ)