DAPAT sana ay naisa publiko na ng Commission on Election (COMELEC) nitong nakalipas na buwan ang talaan ng mga lugar sa buong bansa na itinuturing na mga “areas of concern” base sa isinumiteng listahan ng Philippine National Police .
Una nang ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III na naantala ang pagpapalabas ng listahan ng mga “areas of concern” ng COMELEC dahil masusing bineberipika pa ng poll body ang sitwasyon sa mga lugar na tinutukoy.
Base sa isinumiteng listahan ng PNP may 300 na posibleng “areas of concern” ngayong 2022 elections. Ayon kay Undersecretary Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern.
Batay sa sistemang sinusunod ng PNP, inuuri ng kapulisan ang mga lugar sa bansa sa apat na color-coded categories kung saan ang mga lugar na inilagay sa kulay “green” ay itinuturing na “generally peaceful” para sa pagsasagawa ng halalan.
Ang “yellow” areas ay may suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang eleksyon, may posibleng presensya ng armadong grupo, at may matinding political rivalries.
Ang “orange” areas naman ay may naitalang presensya ng armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na maaaring maging hadlang sa eleksyon. Tinuturing ang mga lugar na ito bilang areas of immediate concern.
Ang mga lugar na nasa red category ay parehong nakakatugon sa mga parameter ng yellow at orange at Ilalagay rin sila sa ilalim ng COMELEC control.
Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy na bineberipika ng maigi ng poll body ang sitwasyon sa naturang mga lugar. (VICTOR BALDEMOR)