Latest News

30 pulis, idinawit sa “Bloody Sunday” killings

May 30 miyembro ng pulis at.militar na isinangkot sa “Bloody Sunday ” killings na ikinasawi ng siyam na aktibista ,ang sinampahan ng kasong murder ng Department of Justice(DOJ).

Ayon kay Justice Undersecretary Brigido Dulay, ang mga pulis na kinasuhan ay kaugnay sa pagkamatay ng Labor leader Manny Asuncion at fisherfolk leaders Chai Lemita-Evangelista at Ariel Evangelista.

“There are other victims supposedly involved dun sa (in the) ‘Bloody Sunday’ but their cases are still pending investigation by our special investigation team. We are waiting for final resolution of those cases whether appropriate complaints will be filed,” ani Dulay,kung saan patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng DOJ.


Ayon kay Dulay, ang ilan naman insidente ay walang kaugnayan sa imbestigasyon ng AO 35 Special Investigation Team.

Ang AO 35 inter-agency task force ay nag-iimbestiga sa extrajudicial killings, enforced disappearances, torture, at iba pang grave human rights violations na kinasasangkutan ng mga aktibista at rights defenders.


Una nang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nahihirapan ang DOJ na makakuha ng testigo sa “Bloody Sunday” killings.

Noong Marso 7, 2021, nagpatupad ng 24 search warrants ang pulis at militar sa Calabarzon na nag resulta sa pagkamatau ng 9 na aktibista at pagka aresto ng apat na iba pa.


Kinuwestiyon ng aktibistang grupo ang pagpatay at ang inisyung warrant of arrest laban sa mga napatay na aktibista sa raids.

“Ang nagiging problema lang namin is because, based on my review of the case, the site of the crimes are in different locations. Hindi lang isa ang location ng lahat ng ito. Iba-iba,” dagdag pa ni Dulay. (Philip Reyes)

 

Tags: Department of Justice(DOJ)

You May Also Like

Most Read