30 patay sa lumubog na motor banca sa Binangonan, Rizal

By: Philip Reyes

Patay ang 30 pasaherong sakay ng lumubog na motor banca NA Princess Aya, habang 40 naman ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos lumubog kahapon ng hapon 50 yarda ang layo sa Barangay Kalinawan, Binangonan, Rizal, sa kasagsagan ng Bagyong Egay.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Coast Guard Substation-Binangonan, ala- 1 ng hapon nang hampasin ng malalakas na hangin ang motor banca, dahilan para mag- panic ang mga sakay na pasahero.


Sanhi nito, isinilong ang motor banca sa gilid ng daungan pero Doon na ito inabot ng paglubog.

Patuloy namanG nagsasagawa ang PCG ng Search and Rescue (SAR) operation para malaman kung may nawawala pang pasahero.

Dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga nasagip para mabigyan ng atensiyong medikal, habang dinala naman sa punerarya ang mga kumpirmadong nasawi para sa awtopsiya at safekeeping.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like