MAY 30 pamilya ang nawalang tahanan matapos na sumiklab ang isang sunog sa isang residential area,kahapon ng hapon sa Almeda St. Abad Santos, Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection( BFP) , nagsimula ang sunog alas 3:35 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout alas 6:52 ng gabi.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog.
Habang patuloy naman inaalam ng Arson Division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian. (Jantzen Tan)














