IPINAG- UTOS ng Philippine National Police –Internal Affair Service ang pagsibak sa tatlong police officer bunsod ng nangyaring pagkamatay ng isang waiter na nasa kanilang kustodiya .
Ayon kay Zamboanga City police chief Col. Alexander Lorenzo kasalukuyang ini-imbestigahan ng PNP- Regional Internal Affairs Service (RIAS) At ng Commission on Human Rights (CHR) ang tatlong sinibak na pulis.
Nabatid kabilang sa mga pinagbasehan ng RIAS ang hawak umano nilang kopya ng autopsy report sa bangkay ng biktimang si Reynaldo Paragas Jr., ang waiter na sinabing namatay na ini-eskort ahan ng mga pulis matapos nitong makasagutan ang isang retiradong police major na kinilala lamang sa pangalangan Cuartocruz sa loob ng isang bar kung saan ito nagtatrabaho.
“Ang otopsiya, iyon po ang pinagbabasehan ng RIAS, based po doon sa natamong mga bruises at mga bukol ay iyon na po ang tinitingnan… Kasi ang nakuha lang po na CCTV camera ay doon lamang po sa isang restaurant at malayong lugar po to, nasa malayong barangay sa Zamboanga City,” ani Lorenzo.
Ayon pa sa opisyal bukod sa autopsy na kasalukuyang pinag aaralan at mga nakitang pasa at sugat sa katawan ng biktima ay may vido rin umano mula sa CCTV camera sa isang restaurant, na nasa isang malayong barangay sa Zamboanga City.
Sinasabing tumalon umano si Paragas sa police vehicle na salungat umano sa pahayag ng duktor ayon sa pamilya ng nasawi dahil sa nakitang head injuries na tila umano sanhi ng pagpalo ng matigas na bagay.
Kahapon inilagay na sa PNP’s administrative custody ang tatlong pulis habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay ng waiter na nasa kanilang kustodiya.