Latest News

3 WANTED, TIMBOG SA MAYNILA

TIMBOG ang tatlong indibidwal na mga wanted sa magkakaibang kaso nang mahalungkat ang mga nakabinbin nilang warrant of arrest habang nakakulong sa Sta. Ana Police Station nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Sta. Ana Police Station 5, dakong alas-4:15 ng hapon nang ihain ang warrant of arrest para sa kasong Theft laban kay Adrian Baltazar, 29, habang nakakulong siya sa Sta. Ana Police Station Custodial facility.


Inihain rin ang warrant of arrest laban kay Marvin Labanda, 23, na nahaharap naman sa kasong Attempted Homicide at ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 (Illegal drugs) laban kay Jennifer Hamor, 49.

Nabatid na nadakip ang mga suspek sa ibang kaso at pare-parehong bumagsak sa naturang kulungan. Dahil sa masusing paghalughog ng mga pulis sa kanilang background, dito nadiskubre na may ‘oustanding warrant of arrest’ para sa kanila sa ibang kaso na kanilang tinatakasan.

Nakaktakdang ibalik ng pulisya ang mga warrant sa korte at naghihintay ng disposisyon ng korte kung saan pinal na ikukulong ang mga suspek. (Carl Angelo)


Tags: Sta. Ana Police Station

You May Also Like