Latest News

3 sa drug watchlist, arestado

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 2,ang tatlong kalalakihang nasa drug watchlist sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng hapon sa Barrio Menu,Dagupan ,Tondo,Maynila.

Kinilala ni PLt Jomar de Belen,ng MPD-PS 2,ang mga suspek na sina Felix Amahan,52, bensor at taga 969 H Barrio Menu, Dagupan Street Tondo; Allan Belilla,42,helper ;at Mark Lopez,30,construction worker at taga 1381 Quiricada Street Sta Cruz Maynila.

Nabatid na ikinasa ang buy-bust operation alas 4:20 ng hapon sa nabanggit na lugar kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 5 sachet ng shabu na may street value na P54,400 at dalawang tig-P100 na ginamit na buy- bust money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 Art II ng RA 9165 o kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read