3 pusher sa Port Area, nasakote sa buy-bust

By: Baby Cuevas

Nasakote ng mga elemento ng Manila Police District -Station 11 ang tatlong pusher sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hatinggabi sa may Block 16,Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ng MPD-PS13 ang mga suspek na sina Jeffrey Sacare, 30;Kaharudin Mohamad, 20 at RJ Lapuz, 26 pawang taga Baseco Compound,Port Area.


Nadakip ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang poseur-buyer alas- 11:05 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang P500 marked money at anim na sachet ng shabu na may bigat na 5.1 gramo at nagkakahalaga ng P34,680.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek.


Tags: Manila Police District-Station 11

You May Also Like