Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong drug pusher sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.
Unang naaresto sa drug-bust operation alas 9:30 ng gabi sa Fermin Tubera Street sa Brgy. 254, Tondo Maynila, ang mga suspek na sina Jr.Evangelista,alyas Kosa, ng 1502 Tindalo St.,Tondo at Richard Tuesca ,25 ng 1307 Tomas Mapua St ., Sta Cruz Maynila.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo at nagkakahalaga ng P68,000 habang naaresto naman ng MPD-PS 11 si Marco Mendoza y Opinniano @ “MACOY”, 46 , miyembro ng Sputnik Gang, ng No. 524 Evangelista Street Quiapo, Manila,alas- 10 ng gabi sa may Muelle Dela Industria Street corner Delpan St., Binondo, Maynila.
Nakuha mula kay Macoy ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.at P100.marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek. (Carl Angelo)














