By: Jantzen Alvin
Kinilala ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang tatlong opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sangkot umano sa ‘hoarding’ at profiteering ng sibuyas na naging sanhi ng pagtaas ng presyo na umabot sa P587 kada kilo noong Disyembre,2022.
Sinabi ni Remulla sa press briefing na sasampahan ng kasong graft and corruption charges sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista at Bureau of Plant Industry officers-in-charge Junibert de Sagun at Glenn Panganiban.
Sasampahan rin ng kasong administratibo ang mga nabanggit na opisyal dahil sa kanilang “inefficiency at incompetence”.
Una nang sinampahan ng National Bureau of Investigation(NBI) ng kasong kriminal noong nakaraang buwan ang 6 na katao kasama ang 3 oposyal at Bonena Multipurpose Cooperative, dahil sa hoarding at profiteering ng sibuyas .
Sa bagong kaso,sinampahan rin ng falsification of private documents at gumamit ng.mga pinekeng dokumento ang mga opisyal.














