Latest News

3 NPA MEMBERS, NAPATAY; MGA BARIL , NABAWI SA ENGKWENTRO

TATLONG kasapi ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army 62nd Infantry “Unifier” Battalion sa Sitio Natuling, Brgy Budlasan, Canlaon City, Negros Oriental kamakalawa, na nagresulta sa pagkakabawi sa ilang sandata.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo sa liblib na bahagi ng Brgy Macagahay, Moises Padilla nang isumbong sa kanila ng mga residente ang presensiya ng mga armadong communist rebel sa kalapit na barangay.

Agad na na-beripika ang intelligence report subalit bago pa makalapit ang mga sundalo ay nagkaroon na ng engkwentro na tumagal ng ilang minuto at ikinasawi ng tatlong NPA.

Kinilala ang mga napaslang na sina Cristina Jacolbe alias Chave, 40, Finance Officer; Rodan Montero alias DJ, 42, at Everly Kee Jacolbe alias Kaye, 18, pawang kasapi ng Central Negros 1 (CN1) ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor (KR-NCBS).

Sa isinagawang clearing operation ay nasamsam sa encounter site ang isang KG 9 machine pistol with magazine, dalawang .45 caliber pistols with two magazines, isang 38 revolver, isang 12 gauge shotgun, NPA documents, at mga personal belongings.

Ang mga nakasagupang NPA ay sinasabing responsable sa naganap na extortion activities sa Canlaon City, La Castellana at Moises Padilla. Sangkot din umano sila sa pananalakay sa barangay Quintin Remo at Macagahay, sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Ayon kay Major General Benedict M Arevalo, 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander, ipinakikita lamang ng nasabing engkwentro na sawa na ang taumbayan at lantaran nang ayaw magbigay ng suporta ang mga lokal na residente kaya itinuturo na ang mga NPA sa mga tauhan ng gobyerno.

“With these noteworthy accomplishments, your Army in Western and Central Visayas are glad that we were able to reduce the NPA’s strength and firearms,” ani MGen Arevalo. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read