Inireklamo sa Commission on Elections o Comelec ang ilang lokal na opisyal ng Binan City, Laguna , ang mga nagwaging landidato dahil sa malawakang “vote-buting” noong nakalipas na Mayo 9 Eleksyon 2022.
Nabatid na ang reklamo ay isinampa laban kina Binan City Rep. Marlyn “Len” Alonte-Naguiat, Mayor Walfredo Dimaguila Jr. at Vice Mayor Angelo Alonte.
Tumayong complainant sina Michael Gerard Thomas Ponce Yatco, Audrey Amoroso at Christopher Santos.
Bitbit ang 6 na kahong ng ebidensiya ang isinampa laban sa mga nanalong kandidato.
Nabatid na mayroon silang hindi bababa sa 30 testigo at mga ebidensya gaya ng mga litrato at videos para patunayan ang alegasyon ng bilihan ng boto sa iba’t ibang barangay sa Binan City.
Hiling nila sa Comelec, madiskwalipika ang respondents na mayroong umanong sistematikong aktibidad ng vote-buying.
Halimbawa noong araw ng eleksyon kung saan namahagi raw ng stubs, sample ballots at mga pera sa loob o paligid ng lugar ng botohan.
Tiniyak naman ng kampo ni Alonte na magbibigay sila ng pahayag at haharapin ang kaso. (Anthony Quindoy)