Latest News

Ang tatlong South Koreans na wanted sa kanilang bansa at naaresto ng BI.

3 Koreano inaresto ng BI

By: Jerry S. Tan

Tatlong South Koreans na wanted sa kanilang bansa ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Rizal at ngayon ay nakatakdang ipatapon pabalik sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga nasabing Koreano ay inaresto noong Setyembre 14 at Setyembre 19 sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng fugitive search unit (FSU) na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy.

Ang unang inaresto noong Setyembre 14 sa kahabaan ng Pandan-Tabun Road, Angeles City, Pampanga ay si Kim Hyungju, 45, na wanted sa Korea sa kasong may kinalaman sa telecommunications fraud. May warrant of arrest na inilabas ang korte ng Korea kung saan si Kim ay inakusahan na miyembro ng voice phishing syndicate na nakakuha sa mga biktima ng mahigit sa 100 milyong won o katumbas ng mahigit sa US$74,000.


Sa Walking Street, Angeles City naman inaresto ang isa pang dayuhan na si Oh Suhong, 46, na pinaghahanap ng batas dahil sa pagpapatakbo ng isang ilegal gambling site sa internet. Naglabas ang Korean court ng arrest warrant para dito matapos kasuhan ng paglabag sa game industry promotion act.

Si Oh ay kinasuhan taong 2021 dahil sa illegal na pagkuha ng 40 units ng game console na na-install nito para sa online better ng kanyang mga customers.

Nitong Setyembre 19 naman ay nadakip ng BI-FSU sa Executive Village sa Taytay, Rizal si Kim Hyojoong, 44. Wanted ito sa kasong fraud at kumita umano ng 73 milyong won mula sa 23 biktima na niloko niya sa pangakong ipoproseso ang kanilang mga visa habang nagtatrabaho sa Canada immigration support center sa Seoul.

S Kim ay may kinakaharap ding kaso ng blackmail at kidnapping.


Ani Viado, ang mga Koreano ay ibabalik sa Seoul sa sandaling maglabas ng utos ang BI board of commissioners para sa kanilang summary deportation.

“They have been placed in our blacklist of undesirable aliens, thus they are perpetually banned from re-entering the Philippines for being undesirable aliens,” saad ni Viado.

Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read