Latest News

3 kompanya ng P25.8-M produktong agrikultura, kinasuhan sa DOJ

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice ang mga may-ari ng tatlong kumpanya na itinuturong sangkot sa smuggling ng tinatayang P25.8-milyong halaga ng produktong agrikultura na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka.

Kinasuhan nitong Marso 4 sa DOJ ang may-ari ng GJ & M Global Resources at PFL Export Trading, GQA Prime Commodities Corp. at Zeechai Root Crops Trading.

Ayon sa BOC, iligal na nag-export ang GJ & M Global at PFL Export ng aabot sa P4 milyong halgaa ng sea cucumber nang walang kaukulang ‘export commodity clearance’ mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources noong Oktubre 18, 2021 sa Port of Cebu.


Sangkot naman ang GQA Prime Commodities Corp. at customs broker nito sa maling deklarasyon at iligal na importasyon ng iba’t ibang gulay at prutas na aabot sa halagang P2.3 milyon noong Nobyembre 24, 2021 sa Port of Cebu.

Ang Zeechai Root Crops naman ay nahaharap sa limang bilang ng paglabag sa Customs law dahil sa maling deklarasyon at iligal na importasyon ng iba’t ibang gulay, prutas at isda na nagkakahalaga ng P19.3 milyon noong Enero 22 at 28, 2022 sa Port of Subic.


Nahaharap ang mga may-ari ng mga kumpanya at kanilang customs broker sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, at iba pang polisiya ng mga ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa BOC, nakapagsampa na sila ngayong taon ng 18 kasong kriminal laban sa 46 indibidwal at lisensyadong customs brokers sa DOJ at kasong administratibo sa tatlong customs broker sa Professional Regulation Commission. (Philip Reyes)


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read