Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Police Station 1 ang tatlong impostor na nagpapanggap na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at nangongotong sa mga teuck driver,kamakalawa ng umaga sa Tondo,Maynila
Kinilala ni PLtCol Rosalino Ibay Jr.,station commander ng MPD-PS1 ,ang mga suspek na sina Jericho Estares y Cabuhayan, 44 , construction worker, at taga Romana Ext Blk 3 Brgy 103 Tondo; Mark Buzeta y Arquero, 35 ,taga 311 Innocencio St.;at Almario Duque y Austria, 30 , at residente ng 17C Maginoo St Tondo.
Ang mga susoek ay inaresto matapos na ireklamo ni Noel Batister,37,truck driver .
Sa imbestigasyon ni Pat. Jersan Manaloto, dumulog ang truck driver sa tanggapan ni Ibay, makaraan umanong hingan ng “kotong” ng tatlong suspek na pawang mga nakasuot ng uniporme ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Sanhi ng isang traffic violation ay agad siyang hiningan ng halagang P1,000 na imbes na lisensya umano ang dapat na kunin ng mga suspek.
Nagduda na ang biktima kung kaya’t siya ay nagtungo sa MPD-PS 1 para magreklamo.
Pinuntahan ang kinaroroonan ng mga susoek at matapos na manmanan ang kilos ay inaresto ang tatlo.
Nabawi naman ang P1,000 ibinigay ng biktima sa mga suspek.
Sinampahan ng kasong robbery extortion at usurpation of authority ang tatlo sa Manila Prosecutors Office. (JERRY S. TAN)