Tinatayang nasa P1,870,000.00 ang halaga sa merkado ng nasamsam na droga sa isinagawang anti narcotics operation ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan.
Kinilala ni Bulacan Police Director PCOL. Satur Ediong ang mga suspek sa sina alyas Mamam, Radj, tubong Marawi, kapwa residente ng Brgy. Graceville at Sonson ng Brgy. San Isidro.
Sa report na isinumite sa tanggapan ni Police Regional Office 3 Regional Director PBGEN. Redrico Maranan, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SJDM police station nitong Bisperas ng pasko bandang alas-3 ng hapon sa Brgy. Graceville.
Lumitaw sa after operation report na umaabot sa 275 grams ng pinaniniwalaang shabu na may standard drug price P1,870,000 ang nasamsam sa nasabing police operation.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.














