Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) kamakalawa sa Binondo, Maynila.ang tatlong Chinese nationals dahil sa pagbebenta ng mga pekeng massage rub products.
Sina Hou Azan, A Lan Zhang at Jasmine Chan ay dinakip matapos makatanggap ng reklamo ang NBI mula sa Vice President for Operations at Isa sa may-ari at incorporators ng Shanyong Cosmetic Concept Corporation laban sa mga indibiduwal na sangkot sa pagbebenta ng pekeng “Creations Spa Essentials Massage Rub”, na produkto ng kumpanya.
Ang Shanyong Cosmetic Concept Corporation,ay isang rehistradong korporasyon na gumagawa ng natural wellness, cosmetics and wellness products gaya ng Creations Spa Essentials Massage Rub na may iba’tbang aromatulad ng ginger at tea, olive organica, night at zest.
Kabilang rin sa nadiskubre ay ang physical store na may online marketing sa pamamagitan ng Facebook, ang 1M-2 (Ana Shopp) and 1M-8 Stall (Jasmine Chan) na matatagpuan sa 999 Shopping Mall in Soler St., Binondo, Maynila.
Noong Mayo 30, 2023, matapos ang ginawang test-buy sa mga pekeng produkto ay ikinasa ang entrapment operation na nag-resulta sa pagka-aresto sa mga suspek.
Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 155 at168 ng RA 8293 (Intellectual Property Code) in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act) sa Manila Prosecutors Office.














