Latest News

3 Chinese national, 2 Pinoy, arestado sa KFR

Nasagip ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 5 ang dalawang Chinese national na kinidnap at naaresto naman ang tatlo nilang kababayan at dalawang Pinoy sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Mabini at Pedro Gil Streets, sa Malate, Maynila.

Nasa kustodiya ng MPD-PS 5 ang mga suspek na sina Kenneth Querubin,39, ng #1018-C Concepcion Aguila, Manila at sina Wang Jie, 28 ; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin Yuan,30, pawang Chinese national at nanunuluyan sa Bayfort West Paranaque; at si Noel Fame, residente ng #346 Paoay Road, Marian Park St., Martin De Forest, Parañaque City.

Ayon kay PLt.Col John Guagui,station commander ng MPD-PS 5, naganap ang operasyon alas-10 ng gabi sa nabanggit na lugar.


Una umanong nag-report sa presinto si Jeff Wang, Chinese National ,kaugnay sa ginawang pag-kidnap ng mga suspek sa kanyang mga kasama na sina Yang Han, Xu Wen Yang at Cui Shao Kun, pawang nasa hustong edad at taga Malate,Maynila.

Nabatid na isinakay ang dalawang biktima sa isang Toyota Hi-Ace Commuter Deluxe na may plakang no. NDM 8999 at saka tumawag kay Wang at nanghihingi ng P3 milyon ransom para sa paglaya ng mga biktima.


Lingid sa kaalaman ng mga suspek ay nakipag-ugnayan si Wang sa MPD-PS 5 kaya nagplano ng entrapment laban sa kanila.

Kaagad na dinamba ng mga awtoridad ang suspek matapos na ituro ni Wang, habang nasagip naman sa loob ng van ang dalawang biktima.


Sinampahan ng kasong Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Arsenio Tan)

Tags: Manila Police District-Police Station 5

You May Also Like