3 BOY SCOUT PATAY, TATLO PA KRITIKAL SA KURYENTE SA JAMBOREE

By: Victor Baldemor Ruiz

TATLONG miyembro ng Boy Scout of the Philippine ang nasawi habang 11 isa pa ang sugatan, tatlo rito ang nasa kritikal pang kalagayan nang sumabit ang kanilang tent sa isang high-tension wire na malapit sa kanilang camping site sa lalawigan ng Zamboanga.

Sa inisyal na ulat, nagdaraos ng Boy Scout jamboree sa highland Abong Abong area nang maganap ang malagim na aksidente nitong Huwebes ng umaga. Tumama ang isang tent na may mga metal frame na kanila sanang ililipat sa high-tension wire ng Zamboanga City Electric Cooperative.

Kinilala ang mga nasawi sa electrocution na sina Kevin Iquid, Geoffrey Atillano at Alvin Gaspar. Bukod sa kanila ay may 11 nasugatan na mga scout na dinala sa ospital. Ttatlo ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon, ayon sa mga lokal na tagatugon sa emergency.


Tuloy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang Zamboanga City Police, Bureau of Fire Protection at Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office sa insidente at nangakong maglalabas sila ng komprehensibong ulat sa lalong madaling panahon.

Tags: Boy Scout of the Philippine

You May Also Like

Most Read