Latest News

3 bebot, arestado sa droga

ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 7 ang tatlong kababaihan sa isinagawang buy-bust operation kamakalalawa ng umaga sa Tondo,Maynila.

Nasamsam ng mga pulis ang may 145 gramo ng shabu na may street value na P986,000. sa mga suapek na sina Judy Ann Barrozo, alyas ” Ning” 24 , dalaga ng Old Antipolo St.; Vannie Rabia, 33 anyos , dalaga ng Old Antipolo St .; at isang Jennilyn Betito, 33 , dalaga ng Vargas St., Tondo.

Ayon kay P/ Lt.Col.Robert Domingo, station commander ng MPD- PS7 ,alas 9:05 ng umaga, nang ikasa ang buybust sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Morong St.sa Tondo


Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nang magkaabutan ng marked money na 200 at 8,000 boodle money ay saka inaresto ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang 29 plastic sachet na hinihinalang Shabu na aabot sa 145 gramo na may street value sa halagang P986,000.00.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 kilala bilang (Comprehensive Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office,ang mga suspek.


Tags:

You May Also Like

Most Read