Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District-Police Station 6 at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation ang tatlong indibiduwal kabilang ang isang babae, sa may J.Posadas St.., Punta Sta. Ana, Maynila.
Kabilang sa naaresto ang target ng operasyon na si Nadia Guarino, alyas Say, 43, ng 2292 Radium St., San Andres Bukid, Maynila.
Kasama niyang naaresto sina Kevin Cayanan ,29, ng 1534 Int. 32, Canonico St., Paco; at Rommel Reyes,57, ng 2262 Road 15, Fabie Estate, Sta. Ana.
Isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at nakabili ng shabu kay Say.
Nasamsam sa mga suspek ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600 at P200 marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Article II Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) and 11 (Possession of Dangerous Drugs) ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)














