TATLONG araw na matinding panalangin ang inilarga ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Linggo upang ipagdasal ang halalan sa Mayo 9.
Sa tatlong araw na ito, mananatiling bukas ang mga simbahan para sa lahat ng nais manalangin.
“We can only fight this battle in the best way we can—through prayer and well-discerned action,” pahayag ni CBCP President Bishop Pablo Virgilio David.
Kaugnay nito, sa araw ng eleksyon, dakong alas-6:00 ng umaga ay 10 minutong papatunugin ang mga kampana sa lahat ng simbahan sa bansa upang ipaalala sa mga botante na bumoto nang naaayon sa kalooban ng Diyos.
Nanawagan din ang CBCP sa mga Katoliko na ipagdasal ang pulisya, ang media at ang mga organisasyong mangangasiwa at magbabantay sa eleksyon.














