2nd floor ng Manila Hotel, nasunog

By: Baby Cuevas

Nasunog ang isang bahagi ng ikalawang palapag ng Manila Hotel sa Ermita, Maynila nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection , nagsimula ang sunog sa Health Club ng Manila Hotel na nasa ikalawang palapag dakong alas- 2:50 ng hapon.


Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at idineklarang fire-out ala- 4:05 ng hapon.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Hotel

You May Also Like

Most Read