2M PASAHERO, INAASAHAN SA MAHAL NA ARAW – PPA

By: Anthony Quindoy

Mahigit sa dalawang milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan sa buong bansa upang magsiuwian sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Semana Santa.

Ito ay ayon sa pagtataya ng Philippine Ports Authority (PPA), na nagsabing ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa mahigit 1.8 milyon lamang noong nakaraang taon.


Sinabi pa ng PPA na inaasahan na rin umano ang pinakamaraming pasaherong dadagsa sa mga pantalan mula Miyerkules Santo, Marso 27, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31, habang kabilang naman sa limang pantalan na magiging pinakaabala sa mga nasabing araw ay ang Panay/Guimaras/Iloilo, Batangas, Panay/Guimaras/Jordan, Mindoro/Calapan, at Panay/Guimaras/Dumangas.

Kaugnay niyan ay nagpatupad na rin ang PPA ng “full manpower” scheme at “no leave policy” sa kanilang mga tauhan mula Marso 25 hanggang Abril 1 para matiyak ang kaligtasan, seguridad at convenience ng mga magbibiyahe.

“Plan your trips early and avoid last-minute bookings, which contribute to travel inconveniences and delays, especially during peak seasons,” anang PPA.


Nagpaalala din ang PPA sa publiko na iwasan ang last-minute bookings.


Tags: Philippine Ports Authority (PPA)

You May Also Like

Most Read