“Sa pangunguna ng ating mahal na Pangulong [Ferdinand] Bongbong Marcos [Jr], we remained to be steadfast dito sa [Bangsamoro] peace process. Dito ninyo makikita ang sinseridad, ang kabaitan ng ating Pangulo, ng ating gobyerno.”
Pahayag ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr., na siya ring pinuno ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa isinagawang panunumpa ng may 294 na mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front bilang mga bagong miyembro ngayon ng Philippine National Police.
Sinaksihan din ito ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Sec. Carlito G. Galvez, Jr. ang ginawang oath-taking at turnover ceremony kahapon para sa mga dating miyembro ng Islamic liberation front bilang bagong recruit sa kapulisan na ginanap naman sa Camp Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte.
Mula sa naturang bilang na 255 na mga lalaki at 39 na mga babaeng dating kaanib ng MILF, at MNLF ang nanumpa bilang bagong mga pulis sa ilalim ng recruitment program nito nito.
Ang kabuuang 294 na mga bagong pulis na ito ay itatalaga sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) para punan ang nasa 400 slots na inilaan para sa MILF at MNLF Recruitment Program para sa CY 2023.
“You will be training physically, mentally to become instruments of peace. Undeniably, you will face challenges, hardship, struggles. At the end of this road, there is triumph. Kung merong bagyo, merong araw. Kung may kadiliman, merong kalinawan,” palala pa ni Abalos.














