Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,934 bagong kaso ng COVID19 mula Enero 9 hanggang Enero 15,2023.
Base sa datos ng pinakahuling Bulletin,inisyu ng DOH ,ito ay mas mababa sa 3,127 kaso na naitala noong Enero 2 hanggang 8.
Sinabi ng DOH na ang arawang kaso ngayon linggo ay nasa 419 kada araw.
Nalaman sa DOH na ang bilang ngayon ay pang -11 linggo na mas mababa sa 10,000 ang bagong kaso ng COVID19 na naitala; ikatlong linggo naman na mas mababa sa 5,000 ang bagong kaso ng COVID 19 ang naitala at pang apat na linggo na diretso na nakapagtala ng mas mababa sa 1,000 kada araw ang bagong kaso.
Sa mga bagong kaso, isa ang kritikal.
Samantala,sinabi ng DOH na may 116 ang naberipikang nasawi noong nakalipas na linggo kung saan 14 ang nasawi mula Enero 2 hanggang Enero 15.














