Latest News

29 MIYEMBRO NG KOJC, KAKASUHAN; 60 NASAKTAN SA PAGSISILBI NG WARRANT KAY QUIBOLOY

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA 29 na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang posibleng maharap sa kasong kriminal bunsod ng kaguluhang naganap sa kasagsagan ng law enforcement operation kaugnay sa tangkang pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ulat ng PNP Police Regional Office (PRO) 11, may 60 pulis ang ‘reported injured’ sa pagsisilbi ng arrest warrant laban sa puganteng pastor na hinihinalang nagtatago sa loob ng compound ng KOJC.

Sa pulong-balitaan, sinabi ni PRO 11 spokesperson Police Major Catherine dela Rey na inihain ang mga reklamong obstruction of justice at direct assault laban sa KOJC members.


“Meron tayong nakasuhan na 29 na KOJC members…And currently ‘yung iba, nasa Davao City Police Office custodial facility po sila. ‘Yung update sa akin kahapon, they are processing for their bail,” ani Dela Rey.

“Assorted cases—’yung iba dalawang case na obstruction of justice and direct assault, ‘yung iba obstruction of justice lang,” dagdag pa niya.

“Sa part ng PNP, based sa record ng regional medical and dental unit, meron na pong 60 na sugatan na PNP members. And then meron kaming na-cater na dalawang members ng KOJC na na-treat namin,” ayon pa kay Dela Rey.

Nagpapagaling na ang nasa 60 pulis na nasaktan sa operasyon at wala pang tugon ang KOJC kaugnay nito.


Matatandaan na anim na araw nang namamalagi ang mga pulis sa compound ng KOJC sa pag-asang mahuhuli na ang nagtatagong si Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Ilan sa tama ng mga pulis ay sa ulo, leeg, sugat sa nose bridge, sa mukha, paa, kamay at knee injury.

Patuloy naman ang panawagan ng Pambansang Pulisya sa mga taga-suporta ni Quiboloy na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan upang maiwasan ang sakitan.


Tags: Pastor Apollo Quiboloy

You May Also Like

Most Read